Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Martes, September 27, 2022:
- Polillo Islands at General Nakar sa Quezon, nasa state of calamity
- Kaanak ng limang miyembro ng PDRRMO na nasawi sa gitna ng kanilang pag-rescue, patuloy na nagdadalamhati
- Ilang aanihin na sanang mga palay, nasayang matapos sirain ng Bagyong Karding
- Dating SC Chief Justice Lucas Bersamin, nanumpa na bilang bagong Executive Secretary ni PBBM
- LTFRB: Puwede na uli ang tayuan ng mga pasahero sa mga bus at modern jeep pero limitado lang ang bilang
- Palitan ng piso kontra dolyar, sumadsad pa sa P58.99=1USD; asahan pa ang patuloy na paghina ng piso, ayon kay Cong. Salceda
- Panukalang 2023 National Budget, sinertipikahang 'urgent' ni Pangulong Bongbong Marcos
- Mga taga-Brgy. Cadmang Reserva sa Zambales, nangangamba sa pagkasira roon ng dike; DPWH, nag-inspeksyon
- Muling pagre-require ng pagfe-face mask dahil tumataas muli ang COVID Cases, ipinanawagan ng PHAPi
- VP Sara Duterte, nasa Japan para dumalo sa state funeral ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ngayong araw; nakapulong si Prime Minister Fumio Kishida kahapon
- Korte Suprema, nagbabalang posibleng ma-contempt ang mga nanghihikayat ng karahasan na posibleng maglagay sa buhay ng mga hukom sa peligro
- Ilang magsasaka, nanghihinayang sa mga pinadapang pananim na malapit na sanang anihin
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.
24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.